Scenery Tumblr Themes

The past, LESSON.
The Present. ACTION.
The future. INSPIRATION.
Architecture. Major in changing the world.
Always believe. Everything is possible.
-Life is a journey, and I am a traveler.-

manongpanget:

“MAGANDA/GWAPO ka, Kasi GOD makes no mistakes.”

manongpanget:

MAGANDA/GWAPO ka, Kasi GOD makes no mistakes.”

abisyosaakooo:

hindi porket binasted ka ng babaeng nililigawan mo e MASAYA NA SYA.

  • pwede naman na nasasaktan din sya kasi hindi nya kayang mahalin yung taong mas worth it na mahalin
  •  pwede din na masasaktan sya kasi maaring mawala ka na sa buhay nya, yung mga usually na ginagawa nyo e hindi nyo na magagawa kasi paniguradong maghahanap ka ng iba kasi nga basted ka na.
  • pwede din na masasaktan sya kasi minsan sinusubukan ka lang nya kung hanggang saan ka tatagal kahit na binasted ka na nya.
matabangutak:

Ang hirap kapag wala kang maisip isulat, lalo na kapag gusto mong magsulat pero wala kang maisip na magandang ibabahagi sa maraming tao. Kapag sinusubukan mo naman, nakikita mo na parang ang panget ng gawa mo kung itutulad sa iba. Para kasing nakakaloko minsan diba? Kapag wala ka sa harap ng computer marami kang naiisip, pero kapag nasa harap ka na makakalimutan mo na lang agad ito. Maaring naalala mo yung iba, pero hindi sing ganda nung una mong naisip. 
Minsan, walang sustansya, kaya mas pinipili mong manahimik na lang at burahin ang mga isinulat mo. Minsan nga tapos na yung sinulat mo, kapag binasa mo parang may mali pa dito eh, kaya naisip mong burahin na lang, minsan takot ka sa sasabihin ng tao sayo, sa kadahilanang taliwas ang opinyon mo sa kanila. Marami kang naiisip na problema, lalo na kapag na Writer’s Block ka.
Kaya madalas natin sabihin sa sarili natin na “Ilan na kaya ang magagandang bagay na napalagpas ko sa isip ko? Ilan na kaya yung magagandang realizations ko sa buhay na sana eh na share ko?”
Sayang nga kasi hindi ba? Malay mo yung mga bagay na naiisip mo eh maaring makatulong sa problema ng ibang tao, yung sa mga simpleng pagsusulat mo eh bigla bigla kang nakakatulong ng hindi mo nalalaman. Yun ang premyo dun. Yung nakatulong ka sa tao at nagpasalamat ito sayo. 
Kaya sulat ka lang ng sulat, wag mo burahin, tanggap ng tao yan. Kasi pinaghirapan mo yan at higit sa lahat.. Inisip mo yan.

"Kaway sa lahat ng anak ng pula at puti!

Yung mga nakipag unahan at sumasakay sa likod ng tricycle araw araw, na walang sinasanto mapa babae man o lalaki, wag ka lang malate sa 7 am class mo.

Yung naka experience ng terror na teacher. Yung tipong tuwing dadaanan ang class ng prof na ito ay malamig ang pawis mo.

Yung mga nagdadasal na sana ay wag mabunot ang iyong index card sa tuwing may recitation kayo.

Nag acquintance party ngunit ala ka rin namag nakilalang iba dahil kasama mo ang mga kaibigan mo.

Yung mga nahirapan na pumasok sa school at nahirapang mag isip ng dahilan sa guard dahil naka civilian ka kahit di naman wash day.

Yung nahirapang makinig at magsolve ng math problems.

Ang mag lumabas pagkatapos ng exam at magkukwentuhan kayo ng mga classmates mo kung madali ang exam. Na sa di malamang dahilan ay hindi mo alam kung papasa ka o hindi dahil marami kang sagot ngunit hindi mo alam kung tama.

Yung pumapasok ka ng puyat, na malaki pa ang eyebags mo kesa sa mga mata mo.

Ang mga naka experience ng ‘HELLWEEK’.

Mga tumatambay sa hallway, at sa library.

Yung kumuha ng minor subject na parang major sa dami ng project.

Yung bumagsak ka sa major subject mo.

Yung umiyak kayo ng mga kaklase mo ng sabay sabay.

Kumuha ng summer class ng sabay sabay.

Nag overnight para magreview pero nauwi sa kwentuhan at sleep over.

Nag thesis na ang pakiramdam ay it’s the greatest fight you’ve had.

Ang umattend at mag enjoy sa huling prom.

At ang pinakamasarap sa lahat, ang magsuot ng toga para mag marsha.

Aminin nating maraming kasumpa sumpang pangyayari/feeling/memories ang meron tayo sa mahabang panahon natin ng pag aaral. Mapa 4-5-6 o pitong taon ka pang nag aaral. Pero alam natin na hindi natin makakalimutan ang mga karanasang ito, dahil ito ang humubog sa mga pagkatao natin.

Kahit ano man ang nangyayari sa atin, wag nating kalimutan ang ngumiti at bumangon, dahil may magandang patutunguhan ang lahat ng iyan. Maniwala lang tayo, sa ating sarili at sa ganda ng ating mga pangarap. ”

Nocturnal, 2009, CEAFA (HIDDEN NAME) Hahaha

Another dream come true.

Matagal na akong fan. Nagstart pa lang talaga sya. Nasa tumblr pa lang sya at sikat pa sya sa pag gawa ng Love Stories on Video sa youtube. Hanggang sa ngayon, na sikat na sikat na sya, na tipong yung mga tao ay nababaliw kakasigaw sa kanya sa tuwing lalabas sya.

Sya yung parang dinadala ka sa iba’t iba mundo, ng pag ibig, ng pamilya, ng buhay. Na iiyak ka lang, na tatawa, na kikiligin ka, mabasa mo lang yung mga sinusulat nya, kahit di mo naman sya nakikita. Para kang baliw, pero it changes you’re mood suddenly. Na alam mong apekto ka sa bawat kabanata ng mga kwento nya.

Alam kong medyo labas ito sa 100 Days of Decluttering photos, pero this person really affects me so much, na nung nakita ko sya kahapon, hindi ako maka move on hanggang ngayon. I just a dream come true happen in an ordinary day.

February 14, 2014 nung una kang pumunta ng batangas para mag-talk. I really wanted to be there, alam ng mga friends ko yan. Nagkataon lang na mas kailangan ako ng mga kaibigan ko that time, kaya hindi ako nakapunta. Hanggang sa lumipas na lang. Sabi ko noon, makikita talaga kita, hindi man ngayon.

Nangyari na kahapon. And I really can’t explain the feeling. Wala naman talaga sa personality na pumunta sa mga ganito, wala pa nga akong kasama, pero I did. Nung gabi pa lang, kinakabahan na ako. Sabi ko nga, kahit hindi kita malapitan, makita lang kita, ok na ako.

But I was this close.

Masaya lang ako. And thank you for that. Thank you sa inspiration. 

Keep on doing what you’re doing. Ako, pangarap ko rin yan, hindi directly maging writer at public speaker, but to be an inspiration sa ibang tao. Kasi para sa akin, na hindi lang pangarap at pagmamahal ang buhay. A well lived life is kapag nakukuha mo yung respeto mula sa iba, at people define you as a good person. At yun ka. Hindi lang kita nakikita dahil good looking ka, but I see you as great person.

Paiyakin mo pa kami. Patawanin. Galitin. Gawing malungkot. Pangitiin. And keep us on feeling ‘in-love’ over and over again. Keep on making us realize, na yan ang buhay, hindi man masaya lagi, pero palagi namang may pag asa.

Sa susunod na makita kita, may picture na tayo. Hahaha

I salute you Mr. Marcelo Santos III , keep on having a good life. Godbless you.  :)